Umaasa…
June 23, 2009 by rppaustralia
Siguro nga mas mabuti pang kalimutan ko nalang itong nararamdaman ko sa iyo kaysa naman umasa pa ako sa wala. …sa bagay, ako mismo’y nagtataka rin sa aking sarili kung bakit pa ako umaasa gayong wala naman akong dapat asahan. Wala naman kasi akong nasabi o di kaya’y itinanong sa ‘yo para magkaroon ako ng maaasahang kasagutan.
Naisin ko mang ipakita ng lubusan sapagkat hindi ko pa talaga kayang sabihin sa ‘yo itong ikinukubli kong damdamin, talagang hindi ko pa ito kayang gawin dahil sa malawak at malalim na karagatang namamagitan sa ‘tin ngayon! Bakit kasi hindi kayang pagdugtungin nitong pagmamahal ko sa ‘yo ang mga baybayin ng Australia at ng Pilipinas?
Ngunit hindi naman ako nagsisising hinayaan kong tangayin ako ng aking mga pangarap dito sa ibang bayan. Hinding-hindi ko ito pagsisisihan sapagkat kasama ka rin naman sa mga pangarap kong ito.
Humihingi ako sa ‘yo ng kaunti pang panahon… panahon para maabot itong binuo kong pangarap para sa ‘tin; at panahon para makapag-ipon ng lakas ng loob na mailabas ang tunay na nilalaman nitong aking puso’t damdamin.
Doc, ok lang yan!
minsan akala natin, kapag naabot na natin yung mga pangarap natin eh makukuha na natin yung mga taong minamahal natin the way we wanted.
May mga bagay na dapat pinagsasabay dail ang buhay eh patuloy na umaarangkada. patuloy ang pag-usad at pagbabago.
dapat(kung hindi mo pa sinasabi) sabihin mo na. baka naman hinihintay ka lang nya… maiinip yun! aakalain nya na nauna ka na… baka makisakay sya sa ibang byahe nyan.. sayang naman..
JS
Okay, sige bro. I’ll take your advice… sa tamang panahon. Malalaman mo rin dito sa pahina ko.