BalikTamBAYAN
March 5, 2009 by rppaustralia
Magdadalawang buwan na palang hindi ako nagawi rito sa aking tambayan, masyado kasi akong nawili doon sa Aking Tahanan sa nakalipas na limang linggo. Sa mga tagasubaybay na tahimik at matiyagang naghihintay ng aking mga kwento, at sa mga kaibigang nagpadala ng mga mensahe sa akin sa pamamagitan ng SMS at email bilang papuri (?!) sa aking mga akda rito sa Silent Water, maraming, maraming salamat sa inyong suporta.
Ngayo’y kasalukuyang 1:01 ng madaling araw rito sa lalawigan ng Timog Australia. Hindi naman sa hindi ako makatulog, hinihintay ko kasi ang truck at mga manghuhuli ng aming mga alagang manok. Panahon na naman ngayon ng tag-ani rito sa manukan kaya usung-uso na naman ang puyatan ng mga magmamanok na tulad ko. Kung bakit sa dilim kasi nananamlay o nanghihina ang mga manok, sa gabi tuloy sila mas mainam hulihin. Tsk, tsk, tsk!
Kwento ko? Marami. Naging malusog naman ang aking puso noong nakalipas na Valentines Day, ang kwento? Nandito, klik mo lang.
May mga panahong naging masyado rin akong emosyonal dahil siguro sa pagod dala ng mga hamon sa aking paglalakbay sa buhay. Kung nais mong malaman ang mga detalye, basahin lang po rito.
Minsan dahil sa lungkot (madalang lang naman ‘to) pati ang mga bulalakaw ay pinapatulan ko na rin. Oops, huwag mo muna akong pagtawanan, alamin muna ang kabuuan nito, malamang ay mahawa ka rin sa akin. o”,)
Kamakailan ko lang din natuklasang napakarami ko na palang mga pangalan! Kung anu-ano ang mga ito, silipin lang ito.
Huhmn… medyo nalungkot ako dahil hindi ako nakadalo sa katatapos lang na 76th Philippine Veterinary Medical Association convention sa Davao. Hindi kasi talaga kinaya ng schedule ko rito sa manukan, hindi rin kasi pwedeng basta nalang ako tatakas dito, mahirap nang pagbalik ay wala na akong trabaho, tag-hirap pa naman sa buong mundo ngayon. Di bale sa susunod na taon pipilitin kong makarating nang magkita-kita tayo. [Sa mga kaibigang may larawan noong nakaraang convention, paki-paskil naman po sa inyong Friendster Photo Album nang sa gayo'y masilip ko naman. Salamat.]
Maganda ng tema ng PVMA convention ngayong taon, Veterinarians Amidst Global Challenges and Trends. Napakarami nga namang mga hamon ang kasalukuyang hinaharap ng mga beterinaryong Pilipino, lalung-lalo kapag ang inaasam ay ang pagiging globally competent. Pero sa tingin ko, hindi lamang mga karamdaman ng ating mga alaga ang siyang kinakailangang lunasan ng mga beterinaryo. Huhmn, may gamot kaya ang epidemyang ito? [Klik mo lang at tuklasin ang epidemyang napakatagal nang kumakalat.]
Ayan po ang aking mga kwento noong mga nakaraang linggo. …nga pala sa mga sabik na akong makita, nasa Pilipnas pala ako simula ika-6 hanggang ika-28 ng Abril ngayong taon. Kitakits! o”,)


oy… first time ko rito… musta Doc?
wow. i really admire your mind… the best ka talaga ruel… malalim magisip yan ang totoong tao…
LONELY-AQUA21
Ganu’n ba, Mark?! Welcome dito sa Silent Water!
Ayos lang naman ako kahit busy dahil hinuhuli na para katayin ang mga alaga naming manok.
KATE
Wow! Nakakatuwa naman ang mga sinabi mo. o”,) Maraming Salamat.
Dadalawin ko rin ang ‘Beautiful Mind’ kapag may mahabang oras ako, tiyak marami ka nang kwento roon.