Sa Isip, sa Puso at sa Diwa
January 26, 2009 by rppaustralia
“Happy Australia Day!”
Ganitong pagbati ang aking natanggap ngayong araw- dalawa mula sa aking mga katrabaho, at dalawa rin sa pamamagitan ng mobile phone!
Hindi ko alam kung karapat-dapat ba akong batiin ng ganito sapagkat walang kaduda-dudang AKO AY ISANG DAYUHAN sa bansang ito. Oo nga, dito ako nakatira at nagtatrabaho sa Australia ng mahigit na sa dalawang taon ngunit hindi ko pa rin masasabing mas higit na ang aking katapatan dito kaysa sa Pilipinas. Heto nga at nakatago at iniingatan ko pa rin ang aking dala galing Pilipinas na barong Tagalog, kumakain pa rin ako ng kanin ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw, mahal ko pa rin naman ang aking sariling wika… kayumanggi pa rin ang kulay ng aking balat, itim pa rin ang aking buhok, pango pa rin ang aking ilong…
Paminsan-minsan, hinahanap-hanap ko na rin ang trifle at pavlova, ang Aussie barbie at sausages; kahit papaano’y marunong na rin akong gumamit ng salitang ‘mate‘, madugo (bloody?!) at pilit ko nang nilalabanang huwag gumamit ng salitang nagsisimula sa titik F! Nasanay na rin akong gumamit ng ‘G’day’ bilang panimulang bati sa SMS, at maginhawa na rin sa akin ang gumamit ng mga katagang ‘No worries‘ sa halip na ‘no problem‘.
Pero ang aking pasaporte heto’t nananatiling kulay-berde; at si Rizal pa rin ang aking pambansang bayani. Nasa memorya ko pa rin naman ang Lupang Hinirang at wala akong naisaulo kahit isang linya ng Advance Australia Fair.
Walang kaduda-duda… mas malakas pa rin naman ang tama ng sipa at boxing kaysa sa football nila rito! Mas hanga pa rin naman ako sa kalabaw kaysa sa kangaroo, at mas pipiliin ko pa rin ang narra kaysa sa eukalypto; at kahit papaano, mas tinitingala ko pa rin naman ang matayog at malakas lumipad na agila kaysa sa walang kakayahang lumipad at tumatakbong emu!
Sa ngayon, ang Australia Day para sa akin ay hindi para mag-barbie (kahit na inanyayahan ako ng aking katrabahong Australiano para sa isang hapunan mamayang gabi), mag-fishing o mag-outing. Ito ay araw na napaka-abala sapagkat naka-bakasyon ang mga katrabaho kong taga-rito. Para sa isang chook-minder na tulad ko, ito ay araw hindi para mag-holiday, kundi isang araw na kapag magtrabaho’y makakatanggap ng double pay!
13,000 mga dating dayuhan dito sa bansang Australia ang nakatanggap ng kanilang Australian citizenship ngayong araw.


isa-isip man, isa-puso at isa-diwa mo man ang ating kinalalagyan ngayon…hanga pa rin ako sa pag-asang ibinigay mo sa iyong mambabasa na buhayin pa rin ang pagka- Filipino… maraming pagkakaiba man..pero buhay pa rin ang simbolong bumubuo sa iyong pagkatao….nais ko pa rin isipin.. isa-puso at isa-diwa ang lakas at tapang ng Filipino sanman siya dalhin ng kanyang adhikain at munting pangarap… ipag patuloy mo lang… mabuhay ka..
COLYN
Maraming salamat sa pagbabasa ng aking mga isinusulat. Nararamdaman kong nagugustuhan mo naman itong post ko, kahit papaano.
Balik ka, ha. o”,)
happy australia Day doc!
taena.. ang galing ahhhh
proud pinoy ka pa rin nman hindi ba?
lols
pero malapit ka ng maging ausi citizen? o landed immigrant ba muna? hehehe
sige sige.. we’re all looking forward to it! ikw maging australiano… ako maging____ hehehe pero sa pusot diwa.. kasama na salita, Pinoy pa rin bai!
kitakits
KOSA
Proud to be Filipino pa rin, bro! o”,)
Citizen? Naku matagal pa. Permanent residency muna dapat ang aapplyan, pero di ko pa nga alam kung kailan mangyayari ‘yon. Hihintayin ko nalang ang swerte- kung kailan ako iso-sponsor ng employer ko. Sa ngayon, work, work, work muna.
Excited ka nang maging Canadian, ano? Good luck sa ‘yo.
bali-baliktarin man natin ang mundo, pinoy parin !
NANAYBELEN
Oo nga po. Hahaha!
Ayan, nakarating na po kayo rito! Welcome po sa SiLENT WATER! o”,)
hello, kaninong website ito?
haha! Joke lang.
Musta na? Alam mo parang nalito ako, nilagay ko yata ang site/blog na ito sa Middle east dun sa kablogs. hehehe
The other week may australian family na lumipat dito, manager kasi yung tatay, si Matt na naging kaibigan ko na rin, may tatlong Aussie na mga anak, at ang misis niya.
Parang hirap isipin that an Aussie will moved sa Saudi to work di ba? He said marami siyang pinoy na kakilala sa Melbourne, and one day magtry daw ako magapply dun. haha. Sabi ko, mag-ipon k na lang ng pera Matt, at gawa tayo ng drinking water company sa melbourne..hehe
happy australia day! wooohooooo! bakit ako napunta dito? dalawa ba blogsite mo RJ???
hmmm…
pangarap kong pumunta dyan sa australia. are you familiar with the hillsong church?
—
wow… that was flattering. naimagine ko tuloy si shakespeare na nasa kabaong. waaaa!
ang dami ko na kasing narrative. i missed writing poems kaya ayun.
kasi frustrated ako sa pag-ibig. hindi ba obvious? hehe!
MR THOUGHTSKOTO
Ganu’n po ba?! Naisama itong Silent Water sa Middle East?! Hahaha!
Oo nga po, parang nakakagulat na ang isang Australian ay pupunta dyan sa Saudi to work. Pero ayos din para malaman din nila ang pakiramdam ng isang foreign worker.
Tama po siya, i-consider nyo rin po ang Australia. Baka magustuhan nyo rin po. Huhmn… Parang hindi uso ang drinking water refilling business dito. Simulan nyo po. o”,)
RON
Salamat sa pagbati! o”,)
Isa lang ang active blogsite ko, Ron. ‘Yong The CMQuill lang. Trip ko lang mag-post dito.
Pumunta ka rin dito sa Australia, naghahanap din sila ng maraming mga nurses. [Naalala ko noong first time kong pumunta sa isang hospital dito, ini-expect kong maraming mga young lady nurses... Pero wala akong nakita, mga matatanda na ang mga nurses nila, ganu'n daw rito.]
Narinig ko nga ang Hilsong Church, pero hindi ako ganu’n ka familiar niyan kasi sa bukid naman ako nakatira. 93kms away from Adelaide City ako.
ay tama ka jan kaibigan, sadyang dapat tayo’y marunong lumingon s ating pinanggalingan, sapagkat tayo’y lahing pinoy..nagkataon lang talaga ang mga opportunidad na di natin
nakamtan sa ating sariling mahal na bayan ay sa ibang bayan nating napagninilayan…siguro ito ang ating kapalaran? o pinili? kung anuman ang dahilan…alam kung ito ay ating ikabubuti.
….I shall return!!!