Updated
December 11, 2008 by rppaustralia
Kasalukuyan akong nanonood ng TV Patrol World habang isinusulat ko itong post na ito. Opps, pero wala ako sa Pilipinas, nandito pa rin ako sa Australia. Maraming Salamat sa The Filipino Channel!
Updated na ako sa mga nangyayari sa Pilipinas simula noong Sabado (06Disyembre2008). Medyo nagulat lang ako sa mga istilo ng mga palabas ng Pilipinas lalo na ang una kong napanood dito ay ang Maalaala Mo Kaya. Sigaw-iyakan kasi ang ginawa ng bida. Kaya siguro ako naninibago dahil magdadalawang taon na ring puro Australian TV shows lang ang napanood ko. Pero sa ngayon ayos na, ‘di na ‘ko naninibago.
May teleserye pala si Jericho Rosales kasama ang Malaysian aktres na si Carmen Soo- ang Kahit Isang Saglit. Si Ruffa Guttierez ay nasa The Buzz na pala at si Edu Manzano na ang nasa Game Ka Na Ba. Masaya pa rin sa Wowowee, at si Cesar Montano ay host ng The Singing Bee! Wow! Hahahah!
Ilang araw bago mag-Pasko, Fear Factor ang usong-uso. Kailan kaya muling magsisimula ang PBB? At mag-aaudition na ba para sa PDA? Makasali nga…
Ipinarada raw si Manny Pacquiao sa Maynila, at nagpaayos ng ngipin si Aling Dionesia bilang paghahanda sa pagdating ng anak niya.
Sikat na sikat din ang Ebola Reston Virus sa ngayon! Sayang hindi na ako makakatulong sa pag-aasikaso sa mga malulusog na baboy sa Pilipinas para hindi sila matamaan ng mikrobyong ‘yon! Tiyak marami sa mga kaibigan kong beterinaryo ang ang magiging abala sa trabaho bago sumapit ang Pasko, sa Araw ng Pasko at pagkatapos ng Pasko.
AKO? Sa kasalukuyan, masakit ang ibaba at gitnang bahagi ng aking likuran! Whew! Di ko lang alam kung makapag-trabaho ako bukas, pero uminom na ako ng gamot, sana’y gagaling na ito pagkalipas ng ilang oras… May alam ba kayong pinakamabuting lunas?
Dito sa Timog Australia, umuulan ngayon, paambon-ambon… Sigurado mahimbing ang tulog kahit na kumikidlat-kumukulog!
Good night! (,”o
ahhhhh ganun ba yun?
oo nga uso nga daw ang sigawan.. iyakan.. pati na bedsense at rape sa TV ng pinoy ngayun.. lalo n sa abscbn..
oo nga doc, malapit na talaga ang pasko.. di na mapipigilan pa.. sana nga lang magkaroon ng word at world peace ang buong mundo
Ay hindi mo pala alam ang pinoy tv sa internet? nagpakabit kapa ng TFC may free naman sa web. Alam mo na ang mga pinoy, maraming alam, pati mga shows na dapat sanay bawal dahil sa copyright violation, sige pa rin. Pero okey na rin at least mapapanood na rin natin mga shows sa ABS-CBN at GMA for free.
Check this out:
http://www.pinaychannel.com
http://www.pinoychannel.tv
http://www.pepcsters.com
FEDERIC
Di ko ‘yan alam pero hindi ko rin mapapanood yang Pinoy TV sa internet kasi limited use of internet lang ako, 5GB per month. Wireless kasi, wala akong landline.
Pero i-check ko ang mga sites na yan.
Apat na FIlipino channels naman tong ipinakabit ko: TFC, Cinema 1 Global, ANC at Kapamilya Channel. Kaya ayos lang.
Maligayang Pasko, Fed! o”,)