Ang Muling Pagdalaw
December 25, 2008 by rppaustralia
Di tulad ng inaasahan, naging maiinit at masaya naman ang Pasko ko rito sa Australia ngayong 2008! Mainit dahil 36.6′C ang outside temperature nu’ng huli ko itong sinilip kaninang alas dose ng tanghali (maaring tumaas pang ‘di ko na namalayan), hindi nagtugma sa malamig na temperaturang siyang forecast ngayong araw. Masaya dahil naging maayos naman ang aming naging salu-salo kagabi kasama ang mga kaibigan.
At isa pang dahilan kung bakit ako naging masaya ay sa kadahilanang kinumusta rin ako ni Santa Claus dito sa Port Wakefield! Kung naaalala niyo kamakailan lamang ay nagtataka ako kung bakit hindi na niya ako dinadalaw… Pinagdudahan ko rin kung siya ay totoo ngang nag-i-exist, pero ang sabi nga ni kaibigang Kosa, na si Santa Claus ay narito lamang sa tabi-tabi. …na si Santa ay hindi naman daw palaging malaki ang tiyan, hindi naman palaging may mga malalago at puting bigote’t balbas, at hindi naman palaging suot ang kanyang pulang damit!
Tama si kaibigang Kosa! Si Santa Claus ay hindi palaging dumadating tulad ng ating inaasahan. Tayo nga raw mismo ay pwedeng maging isa sa mga duwendeng kasa-kasama ni Santang naghahanda ng mga pang-aginaldo, o di kaya’y mga usang humihila ng kanyang sleigh… O puwede ring tayo mismo si Santang maaaring makapagbibigay-saya sa mga taong mas naghihirap at mas nalulumbay kaysa sa atin.
Dumating nga si Santa rito sa Port Wakefield! Di ko alam kung sino siya, at kung ano ang kanyang tunay na pagkatao, pero sigurado akong dumating siya upang bisitahin at pasayahin kami rito!
Hindi siya nakasakay sa kanyang sleigh, bagkus sa isang puting Hilux! Kahit 36.6′C na ang temperatura kanina, hindi pa rin sya nagdamit pang-summer tulad ng aking inaasahan! Siya’y nakasuot pang-winter pa rin- makapal at mahaba ang kanyang damit, nakagwantes, at suot pa rin ang kaniyang espesyal na sombrerong naging identity na niya simula noon!
Sa kanyang pagdalaw ngayong araw, punong-puno ang aking ‘medyas’! Sa gitna ng mga aligamgam na kinakaharap ng ating daigdig sa ngayon napuno ito ng pag-asa, pagmamahal, kapayapaan at kasiyahan!

watta idea..lols
ang ganda Doc.. taena, si santa nga!
akala ko pa nman kung anung ideya na yung sinasabi mo, ito pala..lols hindi ko nman ito ideya.. sarili mo tong ideya doc..
nga pala salamat sa xmas greeting talagang ngtxt ka pa ahhh.. sige sige doc ingat at merry merry xmas!
Salamat bro na ayos lang sa ‘yong hiniram ko ang ideya mo, in-acknowledge naman kita eh, hahaha!
Maligayang Pasko sa ‘yo dyan sa B.C.! Maghanda ka diyan, ibinulong sa akin ni Santa Claus na didireso siya dyan sa inyo sa Canada ngayon! o”,)