Ang ‘Medyas’
December 18, 2008 by rppaustralia
Dalawamput-tatlong taon na rin ang nakalipas mula nu’ng huli akong niregaluhan ni Santa Claus. Pagkatapos nu’n wala na ako sa listahan niya, …hanggang ngayon. Siguro’y tuluyan na niya akong kinalimutan!
Pitong araw nalang bago mag-Pasko pero wala pa ring nangahas na magtanong sa akin kung ano ang gusto kong matanggap mula kay Santa.
Bakit kaya?! Ngayon pang gusto kong muling maramdaman ang galak at tuwa pagkagising sa umagang nasa medyas na ang mga regalo sa akin ni Santa! Nakalimutan na nga niya siguro ako… hindi naman ako naging masamang tao ngunit bakit hindi na niya ako dinadalaw? Ngayon pang ang dami kong hihilingin sa kanya?
Apektado na rin siguro si Santa ng global economic recession. iTo marahil ang pangunahing dahilan kung bakit hindi na nya ako naaalala.
O apektado na rin siguro siya ng global warming. Ito rin kaya ang isa pang dahilan kung bakit hindi na niya ako dinadalaw, masyado kayang mainit ang Australia para sa kanya? Hindi naman nakakapaso ang summer ngayon dito, 25′C nga lang ang maximum temperature ngayong araw dito sa Port Wakefield. Kung inuna man niyang bisitahin ang kaibigan kong si Kosa sa Canada, pwede naman niyang hubarin ang kanyang makapal na damit at palitan ito ng summer wear bago siya makatuntong dito sa malawak na kalupaan ng Australia.
Gusto ko sanang humingi kay Santa Claus ng isang sasakyang de pindot na kaya akong dalhin kahit saan ko gusto ngayong Pasko! Gusto ko sanang humingi ng isang trabahong magugustuhan at maipagmamalaki ko! Gusto ko sanang humingi ng isang masayang pagsasama at pagkakaunawaan ng aking buong pamilya!
Marami pa sana akong hihilingin, pero ito nalang muna. Sana’y mabasa ito ni Santa… Kung kinakailangang isabit ko sa bintana ng Aking Tahanan ang aking nag-iisang puso ay gagawin ko. Kung ito lang ang natatanging paraan upang kayang pagkasyahin ang pag-asa, kasiyahan, kapayapaan at pagmamahal ay buong-pusong gagawin ko ito ngayong Pasko!
wow.. doc lols kasali pa ako sa post mo ah… bat di dun sa blogspot mo to dinala?
ang ganda! pwede kong gawing pundasyon to ng aking susunod na post ahhhh..!? anu pa ba sasabihin ko? sandali pagiisipan ko pa.. overwhelming eh.lols
KOSA
Kasama ka talaga kasi iniisip ko mas gusto ni Santa ang Canada kasi malamig dyan, ang kapal kasi ng suot nya eh!
Nahihiya kasi akong i-post ito doon sa blogspot, kaya dito nalang… Sige gawa ka ng bagong post mong related dito, banggitin mo ako ha, para sumikat naman ako! hahahah! o”,)
Teka, matanong nga kita, ano ba ang hihingin mong gift mula kay Santa?
[...] kinumusta rin ako ni Santa Claus dito sa Port Wakefield! Kung naaalala niyo kamakailan lamang ay nagtataka ako kung bakit hindi na niya ako dinadalaw… Pinagdudahan ko rin kung siya ay totoo ngang nag-i-exist, pero ang sabi nga ni kaibigang [...]
Mayroon bang anumang impormasyon tungkol sa paksa na ito sa ibang wika
Bakit sa web site na ito ay walang ibang wika suporta