Gumagala
October 2, 2008 by rppaustralia
May mga pagkakataong ang sarap ibasura nitong aking roaming SIM at cell phone. Madalang lang naman kasing tumunog. Kapag tumunog, may mensahe galing Pilipinas.
Dito sa Australia, ang pangalawa sa mga pangkaraniwang tanong ng mga kaibigan kong ‘puti’ sa akin ay kung bakit kailangan ko pang magdala ng dalawang cell phones. Siyempre paliwanag naman ako, in English of course, sinasabi ko sa kanila na ang isa kong mobile phone (ayaw kasi nila ng cell phone, very American daw yun) ay may SIM na galing pa sa Pilipinas. Di ko pa nasasabi ang tungkol sa pangalawa kong mobile phone—na ang nakasaksak ay Australian SIM, aba, may itinatanong na naman silang kasunod! Kulit din ng mga ‘to, akala nyo ba.
Bakit daw kailangan ko pa ng Philippine SIM? Ayun, paliwanag na naman akong mas mura para sa aking mga friends and relatives na mag-send ng message sa akin dito sa Australia sa pamamagitan ng roaming SIM ko, huwag lang silang malitong mai-send ang message nila dito sa Aussie SIM ko. Sinabi ko pa nga sa mga ‘puti’ ang halaga in Au$ at dahil decimals and in cents na ito, medyo hirap pa ‘kong tuusin. Palibhasa bobo sa Math, kaya nga ako nag Vet .
Ito ang aking kwento. Abot-kaya naman ang halaga ng mensaheng papasok dito sa aking roaming pero bakit madalang pa itong nakakatanggap ng mensahe? May mga panahong tatlong araw zero talaga! Tsk, tsk, tsk! Hinahayaan ko na nga lang, baka kasi abala rin ang mga contacts ko sa Pinas sa kani-kanilang mga buhay. Tulad ko, may sarili rin naman kasi silang mga laban sa buhay doon. Naisip ko rin baka wala silang load, kadalasan kasi nilang daing, ang hirap ng buhay sa Pilipinas! Parang sinasabing magpapasa-load sila sa ‘kin, kung pwede nga lang sana.
Di naman ako makatiis minsan, kaya ako ang mauunang mag-text sa kanila gamit ang Aussie SIM ko. Palagi pang Australian greetings ang simula, “G’day,mate! Ow yer doin’?” para ramdam talaga nilang galing OZ ang mensaheng natanggap nila. Nilalagyan ko pa ng U at o”,) sa dulo, na ang ibig sabihin ay masaya, nagbibiro at OK lang ako. Totoo naman talaga, masaya ako, dahil kapag ako’y malungkot =( naman ang banat ko, at =’( naman kapag mangiyak-ngiyak na talaga ‘ko.
Masaya kapag may nagre-reply, abot tenga ang aking ngiti... Sobrang saya, heaven! Kung pwede nga lang lumundag at sumigaw sa loob ng chicken shed ay gagawin ko, pero magugulatin ‘tong mga alaga namin kaya bawal kaming tumalon at mag-ingay. Kapanapanabik kapag mahaba ang mensahe, lalung-lalo na kapag punong-puno pa ito ng mga salitang may pamukaw-sigla! Pakiramdam ko napakalapit lang ng mga kaibigan at mga kamag-anak ko sa ‘kin. Wow, ang liit lang pala ng mundo! They’re just a text message away!
Kahit gabi, hating-gabi, at madaling-araw, nakabukas ang roaming ko. Baka kasi may emergency, mag-text sila—physical concerns, emotional problems, pati psychological worries kasama na rin. Kahit may mga pangkasalukuyang pasakit rin akong nararanasan dito sa Land Down Under, todo-suporta naman ako sa pamamagitan ng pagpapayo ‘kala mo’y may alam din talaga sa buhay thru text. Dahil sa pamamagitan nito, dama kong may kabuluhan din ako sa mundo.
May mga pagkakataong matagal talagang hindi tumutunog itong roaming ko. Kapag ganito ang katayuan at bigla itong tumunog, parang ayaw ko naman itong buksan at basahin… Balisa ang mga daga sa loob ng aking dibdib, nanlalamig at nagpapawis ang aking mga palad, at dahan-dahang tumatayo ang aking mga balahibo! Takot kasi ako, nangangamba. Malamang problema na naman, malaking problema! Kamot ako ng ulo, titingala at magkukunwaring walang naririnig na message alert tone, ‘yan ang drama ko… Minsan nga mas gusto ko pang ako nalang ang mauunang mag-text kaysa ganito ang sitwasyon. Naiisip ko kasi agad ang worst case scenario. Alam nyo na… Malubhang karamdaman, sakuna, kamatayan, o mga malalaking bagay na nauukol sa pananalapi.
May mga pagkakataong ang sarap ibasura nitong aking roaming SIM at cell phone. Madalang lang naman kasing tumunog. Kapag tumunog, may mensahe galing Pilipinas.

anu ka ba.. sayang ang communication mo.. minsan talaga walang message na mareceive kasi busy rin ang mga tao.. malamang hindi naman puro text lang ang buhay nila hehehe.. gaya ko.. hindi naman sa nauubusan ako ng load, nakaplan kasi ako hahaha yabang!! batukan mo nga ako hahaha, siguro, sadyang maraming mga bagay lang talaga silang pinagkakaabalahan…
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
nice one… i bliv our roaming sims r very important connection between us and d ppl back home.
14 months ago, my half-a-decade roaming sim was blocked, ive entered a wrong pin several times im my sim and required to key its PUK, but lost it years ago, so its definitely LOST… GONE… :’( ..
it was d day before my bday, i was so worried abt many things, questions were raised in my head…”what if my friends wud txt me? who might have remembered me on my bday?”… i cant sleep w/o the sim… what would have been… and what could have been…
i dnt know… but the thing is, it’s not the sim that wud connect us with our friends and relatives in the Phils per se… so many other ways… there are thousands and one…
now… well… i have 5 registered mobile numbers! hehehe
but i only bring 2 cps wherever i go… one for my roaming sim (+639284451329), and one for a local number here in Taiwan… hehehehehe
ay ang swerte mo naman. oo mahirap talaga ang work dito sa pinas. mahirap na mhirap kaya ikaw dpat work kalang nang work dyan.
swerte mo…
can i have ur numer ruel(toto pala hehehe)
be blessed always to…
can i have ur number ruel(toto pala hehehe)
be blessed always to…
Jorge, nandyan lang sa tabi-tabi ang roaming number ko. Talasan mo ang mata mo! hahaha! (,”o
Merry Christmas!