P.R.
September 29, 2008 by rppaustralia
PaRang gusto ko nang sumuko, PeRo ayaw ko rin namang sumuko. PaRang gusto ko nang tumakas, PeRo ayaw ko rin namang umalis. PaRang gusto ko nang iwanan ang labang ito, PeRo saan ako tutungo? May mararating kaya ako sa aking pupuntahan?
Ako’y tulad ng aking mga alagang manok—nakatira sa isang malaki at marangyang tahanang may kaya-ayang temperatura at bentilasyon, sagana sa pagkain at inumin ngunit hindi naman makalipad. Hindi naman nakagapos ang aking mga pakpak ngunit ako’y walang layang lumipad. Hindi naman nakatali ang aking mga paa, subalit hindi ako makaalis. Nakakulong. Ako’y nakakulong!
Ako’y nakakulong sa aking mga PangaRap. Mga PangaRap na hindi dapat talikdan. Mga PangaRap na hindi dapat takasan. Mga PangaRap na punong-puno ng mga pangako. Mga pangakong kay sarap pakinggan kaya’t ang katuparan nito’y inaasam.
Pero paano kung ang katuparan ng lahat katumbas nama’y di mabilang na mga patak ng mga luha’t pawis? Mga luhang dala ng pangungulila, at mga pawis na bunga ng pagpapagal. Kakayanin ko kaya? Nakaya ko naman, dahil talagang kinaya ko. PeRo kakayanin ko pa ba?
Ako’y hirap na hirap na dahil ako’y napapagod, nagugutom at nauuhaw. Pagod na sa paulit-ulit kong mga tanong aking sarili. Gutom at uhaw na sa mga kasagutang kay tagal ko nang hinihintay. Kailan kaya?
Kailan kaya ako magiging malaya? KaiLan pa kaya ako makakatakas muLa s4 kulun5ang i7o upang malaya na akong makakalipad at tuluyan nang matamasa ang tunay na kaligayahan? Siguro’y matatagalan pa…


kitams!! mas madrama ka pa pala sa akin eh tsk tsk…
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
Ruel…
T A M A ka dyan…
jollie