Feed on
Posts
comments

Umaasa…

Siguro nga mas mabuti pang kalimutan ko nalang itong nararamdaman ko sa iyo kaysa naman umasa pa ako sa wala.  …sa bagay, ako mismo’y nagtataka rin sa aking sarili kung bakit pa ako umaasa gayong wala naman akong dapat asahan.  Wala naman kasi akong nasabi o di kaya’y itinanong sa ‘yo para magkaroon ako ng maaasahang kasagutan.

Naisin ko mang ipakita ng lubusan sapagkat hindi ko pa talaga kayang sabihin sa ‘yo itong ikinukubli kong damdamin, talagang hindi ko pa ito kayang gawin dahil sa malawak at malalim na karagatang namamagitan sa ‘tin ngayon!  Bakit kasi hindi kayang pagdugtungin nitong pagmamahal ko sa ‘yo ang mga baybayin ng Australia at ng Pilipinas?

Ngunit hindi naman ako nagsisising hinayaan kong tangayin ako ng aking mga pangarap dito sa ibang bayan.  Hinding-hindi ko ito pagsisisihan sapagkat kasama ka rin naman sa mga pangarap kong ito.

Humihingi ako sa ‘yo ng kaunti pang panahon…  panahon para maabot itong binuo kong pangarap para sa ‘tin; at panahon para makapag-ipon ng lakas ng loob na mailabas ang tunay na nilalaman nitong aking puso’t damdamin.

[This is an official entry to the 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards (PEBA).]

IMAGINE THIS…

WHAT: 2009 PEBA Awarding Ceremony

WHEN: 18 December 2009; 6pm

WHERE: Fiesta Pavilion, Manila Hotel

Intramuros, Manila

Philippines

WHO: Pinoy Expats/OFW Bloggers and PEBA Winners


NGAYONG NASA ENTABLADO NA ANG espesyal na panauhin, nahahalatang medyo kulang siya sa tangkad! …at kahit na sa malayo halatang-halata ang malaking nunal nito sa kanyang kaliwang pisngi, pati ang dalawang ngipin n’ya sa harapang medyo may kalakihan. Hindi pa niya naibuka ang kanyang bibig para simulan ang kanyang maikling pananalita ay nagpalakpakan na ang madla!

Nagbago ang kulay ng ilaw sa loob ng pavilion, bahagyang dumilim ang silid ngunit may isang liwanag na nakatutok sa magsasalita… Narito ang kabuuan ng kanyang talumpati:

Good evening ladies and gentlemen!

It is, indeed, a great honour and privilege for me to be invited by the powerful men and women behind the Pinoy Expats/OFW Blog Awards, Inc. to speak for tonight’s PEBA Awarding Ceremony.Despite the cool Christmas breeze outside which has been brought by the amihan winds and the freezing temperatures in the northern hemisphere, we seem to be sharing the same season with our KaBlogs Down Under because our attendance tonight shows the warmth of harmony and solidarity between us—and this is already an initial indication of this evening’s success!  READ MORE…

Tsokolate

It’s 6:07 in the morning in South Australia, with the mercury down at 6′C.  The poultry sheds were empty because all the chickens had gone to the dressing plant a day earlier at dawn; so even if it’s still dark and foggy outside he’s nothing to worry about.  It’s a three-day late autumn holiday for the chook-minder!

Inside the farm house, he was sitting in front of his computer to check his email’s inbox, to reply to the offline messages and to read the new comments on his blog.

The wood-burning fireplace just beside him had been working overnight…  READ THE FULL STORY

Libangan

May isang dakong nais kong marating…  Napakaganda raw nu’n… masaya, masagana,  at may kaganapang-loob.

Narinig ko noon, kakaunti lang daw ang nakakarating doon.  Nandu’n kasi ito sa tuktok ng isang napakataas na bundok!  Baku-baku ang daan, at pabalu-baluktot pa.

Gayunpaman, nais ko pa rin itong maabot upang makita at maranasan kung paano ang mabuhay roon.  Buong buhay ko, sinubukan ko nang maglakbay patungo roon…

Hindi nga biro,  talagang nakakapagod kapag ang biyahe’y paahon!  Matagal ang biyahe dahil ang aking hinahangad maabot ay napakalayo pala!  Hindi kayang abutin sa isang iglap lang.

KAPAG PANAHON NG TAG-ARAW, napakaalikabok ang daang ito!  Kapag dumating naman ang tag-ulan, maputik!  Talo pa ang bansang Pilipinas kung daanan ng bagyo, binabaha!  Sa panahon ng taglamig, giniginaw rin ako ng husto!  Nalaman ko tuloy, na tulad ng pag-akyat sa Bundok Apo, dapat sa paglalakbay na ito dapat ako’y handa physically, emotionally, psychologically, at spiritually.

BUTI NALANG MAY MGA NAKASABAY rin akong mga biyaherong ang sadya’y doon din sa tuktok na aking paroroonan!  May mga nakilala akong mga kaibigang naging katuwang sa mga panahong napakaraming mga hamong dumarating!  Kahit papaano’y naging masaya ang paglalakbay.  o”,)

Hindi rin maiwasan, mayroon ding mga kaaway- at mas marami pa yata sila.  Hindi ko naman sila kinakalaban ngunit ako’y kinakalaban nila.  Gusto nila palaging sila ang nauuna.  Bakit, papunta ba ito sa Bundok Everest?  Kung sinong mauna, o kung sinong makarating sa tuktok ay siyang tanyag at may karangalan?  Ang solusyon ko, pinauna ko sila.  ‘Di bale nang ako’y mahuli, wala namang may galit sa akin at walang humihila sa akin pababa.  Ayos lang, mararating ko rin itong aking paroroonan.

A flock of Seagulls, Port Wakefield, S.A., AUSTRALIA

A flock of Seagulls, Port Wakefield, S.A., AUSTRALIA

MABUTI RIN ITONG NAGLALAKBAY NG dahan-dahan lang. Ang mga magagandang bagay at kapaligirang dati’y hindi ko napapansin, ngayon ay natuklasan at napahalagahan ko na!  Ang ganda pala!

May mga nakita akong iba’t-ibang uri ng mga ibon!  Ang iBONG ITO halimbawa, wala namang mga bodega at hindi nag-iipon ng mga bungang-kahoy o di kaya’y butil subalit mukha naman silang masaya!  o”,)  Nabubuhay rin, dumadami…

Kapag dumating ang panahon ng tag-sibol, napakaganda ng nakikita ko sa aking dinadaanan.  Halos nakalimutan kong ako pala’y naglalakbay ng paahon, papunta roon sa ‘lugar’ na aking pinapangarap!  Napakamakulay kasi ng paligid!  May mga paruparo, nagsusulputang mga usbong ng punong-kahoy; at sa gitna ng luntiang bukirin at kaparanga’y may iba’t-ibang uri ng bulaklak na kay gaganda!  Kapag umihip ang malamig na hangin, naaamoy ko ang kanilang halimuyak!  Huhmn!  U

The Great Ocean Road, Victoria, AUSTRALIA

The Great Ocean Road, Victoria, AUSTRALIA

Nu’ng ako’y tumingala sa isang malaking puno ng eucalyptus, isang KOALA naman ang aking nakita!

Bigla naman akong nagulat dahil may lumulundag-lundag sa likod ko.  Nang ako’y lumingon, isa palang KANGAROO!  Akala ko pa nama’y isang prinsesang matagal ko na ring hinahanap!

Kapag napapagod sa aking paglalakbay, huminto rin ako. Kasama ng mga nakilalang kaibigan, nanghuhuli ng mga isda’t ALIMANGO! Ang sarap ng pakiramdam kapag makapagpahinga at makapaglibang!

Napapag-usapan na rin ang libangan…  hindi ko namalayan nag-isang taon na pala itong Aking Libangan!

Mahirap ang biyahe, maraming pagsubok at mga hamon… pero tuloy pa rin ang paglalakad- paakyat upang malasahan ang sarap at saya, pati na rin ang kapalagayang-loob na hatid ng Bundok Tagum-pie!

Port Campbell National Park, Victoria, AUSTRALIA

Port Campbell National Park, Victoria, AUSTRALIA

—————–

HOLIDAY UPDATE:

13 days nalang, flight ko na pauwi ng Pilipinas!  See you, guys!  (,”o

BalikTamBAYAN

Magdadalawang buwan na palang hindi ako nagawi rito sa aking tambayan, masyado kasi akong nawili doon sa Aking Tahanan sa nakalipas na limang linggo.  Sa mga tagasubaybay na tahimik at matiyagang naghihintay ng aking mga kwento, at sa mga kaibigang nagpadala ng mga mensahe sa akin sa pamamagitan ng SMS at email bilang papuri (?!) sa aking mga akda rito sa Silent Water, maraming, maraming salamat sa inyong suporta.

Ngayo’y kasalukuyang 1:01 ng madaling araw rito sa lalawigan ng Timog Australia.  Hindi naman sa hindi ako makatulog, hinihintay ko kasi ang truck at mga manghuhuli ng aming mga alagang manok.  Panahon na naman ngayon ng tag-ani rito sa manukan kaya usung-uso na naman ang puyatan ng mga magmamanok na tulad ko.  Kung bakit sa dilim kasi nananamlay o nanghihina ang mga manok, sa gabi tuloy sila mas mainam hulihin.  Tsk, tsk, tsk!

Kwento ko?  Marami.  Naging malusog naman ang aking puso noong nakalipas na Valentines Day, ang kwento?  Nandito, klik mo lang.

May mga panahong naging masyado rin akong emosyonal dahil siguro sa pagod dala ng mga hamon sa aking paglalakbay sa buhay.  Kung nais mong malaman ang mga detalye, basahin lang po rito.

Minsan dahil sa lungkot (madalang lang naman ‘to) pati ang mga bulalakaw ay pinapatulan ko na rin.  Oops, huwag mo muna akong pagtawanan, alamin muna ang kabuuan nito, malamang ay mahawa ka rin sa akin. o”,)

Kamakailan ko lang din natuklasang napakarami ko na palang mga pangalan!  Kung anu-ano ang mga ito, silipin lang ito.

Huhmn… medyo nalungkot ako dahil hindi ako nakadalo sa katatapos lang na 76th Philippine Veterinary Medical Association convention sa Davao.  Hindi kasi talaga kinaya ng schedule ko rito sa manukan, hindi rin kasi pwedeng basta nalang ako tatakas dito, mahirap nang pagbalik ay wala na akong trabaho, tag-hirap pa naman sa buong mundo ngayon.  Di bale sa susunod na taon pipilitin kong makarating nang magkita-kita tayo.  [Sa mga kaibigang may larawan noong nakaraang convention, paki-paskil naman po sa inyong Friendster Photo Album nang sa gayo'y masilip ko naman.  Salamat.]

Maganda ng tema ng PVMA convention ngayong taon, Veterinarians Amidst Global Challenges and Trends.  Napakarami nga namang mga hamon ang kasalukuyang hinaharap ng mga beterinaryong Pilipino, lalung-lalo kapag ang inaasam ay ang pagiging globally competent.  Pero sa tingin ko, hindi lamang mga karamdaman ng ating mga alaga ang siyang kinakailangang lunasan ng mga beterinaryo.  Huhmn, may gamot kaya ang epidemyang ito? [Klik mo lang at tuklasin ang epidemyang napakatagal nang kumakalat.]

Ayan po ang aking mga kwento noong mga nakaraang linggo.  …nga pala sa mga sabik na akong makita, nasa Pilipnas pala ako simula ika-6 hanggang ika-28 ng Abril ngayong taon.  Kitakits!  o”,)

Happy Australia Day!

Ganitong pagbati ang aking natanggap ngayong araw- dalawa mula sa aking mga katrabaho, at dalawa rin sa pamamagitan ng mobile phone!

Hindi ko alam kung karapat-dapat ba akong batiin ng ganito sapagkat walang kaduda-dudang AKO AY ISANG DAYUHAN sa bansang ito.  Oo nga, dito ako nakatira at nagtatrabaho sa Australia ng mahigit na sa dalawang taon ngunit hindi ko pa rin masasabing mas higit na ang aking katapatan dito kaysa sa Pilipinas.  Heto nga at nakatago at iniingatan ko pa rin ang aking dala galing Pilipinas na barong Tagalog, kumakain pa rin ako ng kanin ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw, mahal ko pa rin naman ang aking sariling wika…  kayumanggi pa rin ang kulay ng aking balat, itim pa rin ang aking buhok, pango pa rin ang aking ilong…

Paminsan-minsan, hinahanap-hanap ko na rin ang trifle at pavlova, ang Aussie barbie at sausages; kahit papaano’y marunong na rin akong gumamit ng salitang ‘mate‘, madugo (bloody?!) at pilit ko nang nilalabanang huwag gumamit ng salitang nagsisimula sa titik F!  Nasanay na rin akong gumamit ng ‘G’day’ bilang panimulang bati sa SMS, at maginhawa na rin sa akin ang gumamit ng mga katagang ‘No worries‘ sa halip na ‘no problem‘.

Pero ang aking pasaporte heto’t nananatiling kulay-berde; at si Rizal pa rin ang aking pambansang bayani.  Nasa memorya ko pa rin naman ang Lupang Hinirang at wala akong naisaulo kahit isang linya ng Advance Australia Fair.

Walang kaduda-duda…  mas malakas pa rin naman ang tama ng sipa at boxing kaysa sa football nila rito!  Mas hanga pa rin naman ako sa kalabaw kaysa sa kangaroo, at mas pipiliin ko pa rin ang narra kaysa sa eukalypto; at kahit papaano, mas tinitingala ko pa rin naman ang matayog at malakas lumipad na agila kaysa sa walang kakayahang lumipad at tumatakbong emu!

Sa ngayon, ang Australia Day para sa akin ay hindi para mag-barbie (kahit na inanyayahan ako ng aking katrabahong Australiano para sa isang hapunan mamayang gabi), mag-fishing o mag-outing.  Ito ay araw na napaka-abala sapagkat naka-bakasyon ang mga katrabaho kong taga-rito.  Para sa isang chook-minder na tulad ko, ito ay araw hindi para mag-holiday, kundi isang araw na kapag magtrabaho’y makakatanggap ng double pay!

13,000 mga dating dayuhan dito sa bansang Australia ang nakatanggap ng kanilang Australian citizenship ngayong araw.

‘Phoenix’

Lately, I’ve noticed that I’m running out of ink for My Quill!I don’t, actually, know where to buy a good-quality ink; and if possible… READ THE FULL STORY

Mga Hula at Pampaswerte

LABINTATLONG MGA MANOK ang ipinaplano kong katayin at sabay-sabay na lilitsunin ngayong araw para maihanda sa pagsalubong sa bagong taong 2009- ang Taon ng Torong Baka!

Siguro nama’y sa labintatlong buong mga manok na aming pagsasalu-saluhan ay sobra-sobrang swerte na ang darating ngayong 2009 kaysa SA MGA NANGYARI SA AKIN NOONG TAONG 2008.

Ang kainan at kasiyahang magaganap ay idadaos kina John doon sa Dublin, hindi sa Ireland kundi sa isang maliit na bayan dito sa South Australia na siguro’y 39 kilometro ang layo mula rito sa manukang aking pinagtatrabahuan at tinitirhan.  Mga kalahating oras din itong tatakbuhin ng sasakyan, pero hanggang ngayo’y narito pa rin ako sa loob ng aking caravan habang hinihintay kong lumamig ang panahon para maibalik ko na sa normal ang bentilasyon ng bahay-manok mula sa cooling mode nito.  Tama ang iyong nabasa, naka-cooling kami ngayon sa loob ng chicken shed dahil uminit ngayong araw!  Whew!

NOONG PASKO naging 36.6′C ang aktwal na temperatura samantalang ayon sa hula ng Australian Bureau of Meteorology (ABM) ay 22′C lamang ang pinakamataas na temperatura noong araw na ‘yon…  NGAYONG ARAW naman ay umabot ng 29′C, apat na antas ng centigrado ang itinaas mula sa orihinal na hulang 25′C lamang.

25 DECEMBER 2008 - 36.6′C actual - 22.0′C maximun temperature forecast

31 DECEMBER 2008 - 29.0′C actual - 25.0′C maximum temperature forecast

Hindi tumugma ang mga hula ng mga pantas ng ABM sa naging aktwal na lagay ng panahon noong Pasko at ngayong araw.  Ngayong mga panahong napakaraming manghuhulang naglalabas ng kani-kanilang mga hula para sa taong 2009, sana’y tama akong HiNDI na maniwala sa mga ito.

Ang Muling Pagdalaw

Di tulad ng inaasahan, naging maiinit at masaya naman ang Pasko ko rito sa Australia ngayong 2008!  Mainit dahil 36.6′C ang outside temperature nu’ng huli ko itong sinilip kaninang alas dose ng tanghali (maaring tumaas pang ‘di ko na namalayan), hindi nagtugma sa malamig na temperaturang siyang forecast ngayong araw.  Masaya dahil naging maayos naman ang aming naging salu-salo kagabi kasama ang mga kaibigan.

At isa pang dahilan kung bakit ako naging masaya ay sa kadahilanang kinumusta rin ako ni Santa Claus dito sa Port Wakefield!  Kung naaalala niyo kamakailan lamang ay nagtataka ako kung bakit hindi na niya ako dinadalaw…  Pinagdudahan ko rin kung siya ay totoo ngang nag-i-exist, pero ang sabi nga ni kaibigang Kosa, na si Santa Claus ay narito lamang sa tabi-tabi. …na si Santa ay hindi naman daw palaging malaki ang tiyan, hindi naman palaging may mga malalago at puting bigote’t balbas, at hindi naman palaging suot ang kanyang pulang damit!

Tama si kaibigang Kosa!  Si Santa Claus ay hindi palaging dumadating tulad ng ating inaasahan.  Tayo nga raw mismo ay pwedeng maging isa sa mga duwendeng kasa-kasama ni Santang naghahanda ng mga pang-aginaldo, o di kaya’y mga usang humihila ng kanyang sleigh…  O puwede ring tayo mismo si Santang maaaring makapagbibigay-saya sa mga taong mas naghihirap at mas nalulumbay kaysa sa atin.

Dumating nga si Santa rito sa Port Wakefield!  Di ko alam kung sino siya, at kung ano ang kanyang tunay na pagkatao, pero sigurado akong dumating siya upang bisitahin at pasayahin kami rito!

Hindi siya nakasakay sa kanyang sleigh, bagkus sa isang puting Hilux!  Kahit 36.6′C na ang temperatura kanina, hindi pa rin sya nagdamit pang-summer tulad ng aking inaasahan!  Siya’y nakasuot pang-winter pa rin- makapal at mahaba ang kanyang damit, nakagwantes, at suot pa rin ang kaniyang espesyal na sombrerong naging identity na niya simula noon!

Sa kanyang pagdalaw ngayong araw, punong-puno ang aking ‘medyas’!  Sa gitna ng mga aligamgam na kinakaharap ng ating daigdig sa ngayon napuno ito ng pag-asa, pagmamahal, kapayapaan at kasiyahan!

My CHRiSTmas 2,008

I know I need to end all My iLLusions! I have to accept the fact that Santa Claus does not exist in my world anymore, and finally have to admit that no Santa could ever grant even just one of my wishes this Christmas!

As expected, my Christmas would be…  READ THE FULL STORY.

Older Posts »